Mas magarbong selebrasyon ng Inaul Festival sa Maguindanao asahan sa susunod na taon

27

Labis namang pinasalamatan ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu ang lahat ng mgs nakiisa at lumahok sa pagdiriwang ng 2nd Inaul Festival na nagsimula noong Feb 8 at nagtapos kahapon Feb 14 sa bayan ng Buluan Maguindanao. Hinangaan din ni Gov Mangudadatu ang walang kapagurang ipinamalas ng mga ito para maging matagumpay ang Inaul Festival .
Inihayag din ni Mangudadatu na mas magiging magarbo pa ang selebrasyon ng Inaul Festival sa susunod na taon dahil maraming mga istrakturang ginagawa ngayon sa bayan ng Biluan ang inaasahang matatapos bago ang event sa susunod nataon kabilang na dito ang sinasabing sports complex na ipinagkaloob ni Pangulonv Rodrigo Duterte para sa lalawigan ng Maguindanao.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments