Manila, Philippines – Sinimulan na ng Inter-Agency Council For Traffic (I-ACT) ang mas pinaigting na kampanya nito kontra colorum na mga Public Utility Vehicle.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang crackdown sa mga colorum na PUV kasunod ng nangyaring bus accident na kinasangkutan ng Dimple Star sa Occidental Mindoro.
Ayon kay DOTr Usec. Tim Orbos – tatargetin nila ang mga bus terminal sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Kaninang umaga, unang nag-ikot sa Araneta Bus Terminal ang I-ACT bilang bahagi na rin ng kanilang “Oplan Ligtas Biyahe” ngayong Semana Santa.
Pero bukod sa mga bus, tiningnan din ng I-ACT ang mga papeles at lisensya ng ilang taxi driver na nakaparada sa terminal.
Katulong ng I-ACT sa operasyon ang PNP-Highway Patrol Group, Land Transportation Office, LTFRB at MMDA.