Barangay at SK elections, tuloy na tuloy na; Panukalang ipagpaliban ito, isinuko na ng Kamara

356

Manila, Philippines – Isinuko na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagsusulong sa Barangay at SK Election postponement.

Sabi ni Alvarez, hindi kasi ito inaksyunan ng Senado kaya tiyak na tuloy na ang Barangay at SK polls.

Isa pa aniya, mukhang handa na rin naman na ang Commission on Elections, tulad ng una nilang sinabi sa Kamara bago aprubahan ang pagpapaliban sa halalan.

Nanawagan na lang si Alvarez sa mga barangay na magkaisa at suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa gustong gawing pagbabago lalo na ang isinusulong na Federalism.

Facebook Comments