Mas mahigpit na community quarantine, hindi pa kailangang pairalin ayon sa DOH

Hindi pa kailangang magpatupad ng “time-out” o mas mahigpit na community quarantine.

Iginiit ito ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire sa kabila ng pag-spike ng kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Vergeire na nakipag-usap na sila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga ospital at mga lokal na pamahalaan kung paano ito masosolusyunan.


Sa ngayon, ang kailangan aniya ay ibalanse ang lahat.

In-activate na rin aniya muli ng Department of Health (DOH) ang One Hospital Command system at Oplan Kalinga.

Sa ilalim ng One Hospital Command, maiiwasan aniyang mapuno ang mga ospital at magkaroon ng patas na distribusyon ng mga pasyente.

Habang sa pamamagitan naman ng Oplan Kalinga, ang mga pasyente na asymptomatic at mild cases na pwede naman sa mga temporary treatment facilities ay doon ililipat sa halip na sa mga ospital.

Facebook Comments