Mas mahigpit na Immigration program, iniutos ni US President Donald Trump kasunod ng New York truck attack

Amerika – Inutos na ni U.S. President Donald Trump ang pagpapatupad ng mas mahigpit na immigration program sa Amerika.

Ito’y makaraang makapasok sa Amerika ang ISIS symphatizer na si Sayfullo Saipov mula Uzbekistan na suspek sa nangyaring truck attack sa New York City.

Kaugnay nito, pinatatanggal niya ang visa lottery program na dahilan kaya nakapasok sa bansa si Saipov.


Samantala, dalawang lalaki ang patay habang isa ang sugatan sa shooting incident sa Colorado, USA.

Nangyari ang pamamaril sa isang tindahan sa suburban Denver kaninang umaga.

Tinutugis pa ang nakatakas na suspek.

Facebook Comments