UFC fighter Conor Mcgregor, humirit ng rematch kay Floyd Mayweather Jr.

Sports – Humihirit ng rematch si Mixed Martial Arts star Conor Mcgregor kay Floyd Mayweather Jr.

Umaasa si Mcgregor na makakaharap niyang muli sa ring si Mayweather at tiniyak na tatalunin na niya ang American boxer.

Una na ring hinamon ni Mcgregor si Mayweather gayundin ang isa pang American boxer na si Paulie Malignanggi na labanan siya sa loob ng octagon ring.


Ito ay bilang kapalit naman sa pagtungtong niya sa boxing ring noong Agosto.

Facebook Comments