Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Committee on Public Service Chairperson Senator Grace Poe ang pangangailangan sa mas mahigpit na pagpapatupad ng regulasyong pangkaligtasan at sa pagbibigay ng professinal license sa mga nagmamaneho ng malalaki at pampublikong sasakyan.
Ang pahayag ni Senator Poe ay makaraang araruhin ng isang truck ang hanay ng mga tindahan at tricycle sa Taytay na ikinamatay ng hindi bababa sa limang katao, kabilang na ang isang walang muwang na bata.
Nakakagalit ang nangyari ayon kay Senator Poe dahil ito basta lang aksidente kundi isang kapabayaan sa pagmintina ng sasakyan.
Patunay din aniya ang aksidente na hindi maaaring ipaubaya ang manibela ng truck sa isang walang sapat na kasanayan.
Kaugnay nito ay nais ni Senator Poe na tiyakin ng may ari ng trucking service na sangkot sa aksidente na haharapin nito ang responsibilidad at ibibigay ang lahat ng kailangang tulong ng mga biktima.
Kasabay nito ay nagpaabot din ng pakikiramay si Senator Poe sa lahat ng naulila dahil sa nasabing trahedya.