Mas mahigpit na lockdown dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19, malabo pa – Lorenzana

Nilinaw ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na hindi pa napag-uusapan kung mas hihigpitan pa ang ipinapatupad na lockdown sa bansa dahil sa pagsirit muli ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Lorenzana na Chairman din ng National Task Force Against COVID-19, mas mahihirapan ang mga Local Government Units (LGUs) na magpatupad ng COVID-19 measures kung muli itong gagawin.

Aniya, sa ngayon ay hindi pa napag-uusapan ang lockdown ngunit hinihikayat nila ang mga ito na tiyakin ang pinaigting na pagsunod sa health protocols.


Matatandaang una nang tiniyak ng Malakanyang na kayang malampasan ng Pilipinas ang COVID-19 pandemic kung saan may mga ipinapatupad ng mga hakbang kabilang ang localized lockdowns.

Facebook Comments