Mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang pagpapatrolya at pagpapatupad ng batas sa mga barangay ng bayan.
Nanawagan ang alkalde sa mga barangay tanod na makipagtulungan sa kapulisan sa pagsugpo sa mga lumalabag sa batas.
Ayon sa kanya, ang mga pasaway ay kailangang maturuang sumunod upang hindi pamarisan ng iba.
Binigyang-diin din ang pagbabantay sa mga paaralan upang matukoy ang mga menor de edad na nagmamaneho ng motorsiklo o iba pang sasakyan bilang tugon sa tumataas na bilang ng aksidenteng kinasasangkutan ng mga kabataang walang lisensya.
Inatasan din ng alkalde ang mga punong barangay na higpitan ang pagbabantay sa mga kalsadang ginagawang talipapa.
Paalala niya, ang sidewalk ay para sa mga naglalakad, hindi sa mga nagnenegosyo.
Magpapaskil din sa bawat barangay ng impormasyon kung paano makokontak ang 911 Unified National Hotline upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency.









