Mas mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa NCR, ipinag-utos ni Eleazar

Ipinag-utos na ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang mas mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila kasunod ng pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine sa Agosto 6 hanggang 20.

Ayon kay Eleazar, pinatitiyak niya sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mahigpit na pagpapatupad ng mahabang curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Aniya, inatasan na rin niya ang mga pulis na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para sa pagpapatupad ng curfew.


Tutulong din ang mga pulis sa pagpapatupad ng liquor ban sa Valenzuela, Mandaluyong, Paranaque, Pasay, Navotas, Pateros, Quezon City, at San Juan.

Giit ni Eleazar, sa pamamagitan ng curfew ay maiiwasan ang pagkakaroon ng mass gatherings na malaki ang posibilidad na maging super spreader events.”

Facebook Comments