Mas mahigpit na restriksyon, hindi kailangang ipatupad sa Palawan kasunod ng naitalang kaso doon ng omicron subvariant

Walang nakikitang dahilan si Infectious Disease Expert Dr. Edcel Salvaña para magpatupad ng mas mahigpit na restrictions sa Palawan.

Ito ay kasunod nang naitalang BA.2.12.1 omicron subvariant mula sa 15 dayuhang turista.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dr. Salvaña na kapansin-pansin kasi na gumagana naman ang mga health protocols doon na ipinatutupad ng pamahalaan sa buong bansa.


Maari lamang aniyang magpatupad ng mas mahigpit na restriksyon kapag tumaas na ang bilang ng mga kaso at tumataas narin ang health care utilization isang lugar.

Pero dahil mataas at nagpapatuloy ang vaccination rollout ng pamahalaan karamihan sa mga kaso ay mild lamang at hindi na kailagan pang dalhin sa ospital.

Kasunod nito, nananawagan si Salvaña sa publiko na sundin parin ang minimum health standards at magpabakuna na.

Facebook Comments