Pagsalang sa Commission on Appointments ng chairman at mga commissioners ng COMELEC, COA at CSC, ipinagpaliban sa susunod na linggo

121

Sa susunod na linggo na itinakda ang pagsalang sa Commission on Appointments (CA) nina Commission on Elections (COMELEC) Chairman Saidamen Pangarungan at COMELEC Commissioners George Garcia at Aimee Torrefrancia Neri gayundin si Commission on Audit (COA) Chairperson Rizalina Noval Justol at Civil Service Commission (CSC) Chairman Karlo Alexei Nograles.

Ito ay makaraang makansela kahapon ang kanilang pagsalang sa confirmarion hearing sa ilalim ng CA Committee on Constitutional Commission na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar.

Kasundo ito ng sulat na natanggap ng komite mula kima Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senator Panfilo Lacson na humihiling na ipagpaliban o i-reset sa susunod na linggo ang CA hearing.


Ito ay dahil may mga senador na nasa kamara kahapon at ginagampanan ang constitutional duty hinggil sa pagcanvass sa mga boto ng mga kandidato sa pagkapangulo at ikalawang pangulo sa katatapos na eleksyon.

Facebook Comments