Mas Mahigpit na Security Measures, Ipinatupad ng PRO 2

Cauayan City, Isabela- Lalong pinahigpit ng Police Regional Office (PRO) 02 ang pagpapatupad ng security measures sa kabila ng pagsasailalim sa lockdown ng Tuguegarao City Police Station dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan sa COVID-19 sa naturang himpilan.

Una nang nagtalaga ang PNP Regional Director na si PBGen. Crizaldo Nieves ng 63 na mga bagong pulis mula sa iba’t-ibang bayan sa Cagayan at mga graduate ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC) bilang pansamantalang kapalit ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Inaasahan din ang pagdating ng karagdagang 74 na Senior PNCO mula sa iba’t-ibang hanay ng pulisya sa Lalawigan upang tumulong at magsilbing team leader ng mga bagong itinalagang pulis.


Kasalukuyan namang sumasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Tuguegarao City na nagsimula noong ika- 27 ng Agosto at matatapos sa ika-5 ng Setyembre.

Samantala, nilinaw ng PRO 2 na hindi apektado ng COVID-19 ang lahat ng personnel ng Tuguegarao City Police Station na taliwas sa kumakalat na impormasyon na ‘infected’ ng virus ang buong pwersa ng himpilan.

Facebook Comments