Asahan na ng publiko ang mas mahigpit na seguridad sa pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw, October 1 hanggang October 8.
Ayon kay Philippine National Police PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, mas maraming pulis at augmentation units kabilang na ang intelligence personnel ang naka-deploy para mapigilan ang anumang banta.
Ilan sa critical scenarios na pinaghandaan ng pulisya sa kanilang Simulation Exercises (SIMEX) kahapon ay ang shooting incident, assassination attacks, bomb threat, fire incident, pagdagsa ng mga tagasuporta ng mga pulitiko at iba pa.
Bukod sa mga pulis, nakabantay rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Commission on Elections (COMELEC) concerned Local Government Units (LGU), at disaster personnel.
Matatandaang una nang pinatutukan sa mga pulis ang mga lugar na may matinding political rivalry at election-related violent incidents.