Pagpapataas ng vaccination rate ng mga senior citizen, nananatiling prayoridad ng pamahalaan

Binigyang diin ng Palasyo na nananatiling target ng gobyerno na mabakunahan ang lahat ng vulnerable sectors sa bansa.

Partikular ani Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang mga senior citizen at may comorbidities.

Ayon kay Roque, hindi naman kasi nawawala ang peligro sa buhay ng mga hindi pa bakunadong lolo at lola kaya’t tuluy-tuloy pa rin ang kanilang panawagan sa mga ito na magpabakuna na.


Karamihan kasi sa mga ito ang nakakaranas ng severe at critical cases ng COVID-19 lalo na kung hindi sila fully vaccinated.

Kasunod nito, kahit na magbubukas na ang bakunahan sa general population at mga kabataan ngayong buwan ay mayroon pa ring express lanes ang mga nasa A1, A2 at A3 category.

Facebook Comments