Mas mahigpit na seguridad, ipinapatupad sa Quiapo Church

Mas lalo pang hinigpitan ang ipinapatupad na seguridad sa loob at labas ng Simbahan ng Quiapo.

Sa pagpasok pa lamang ay kinakailangan sa physical frisking habang ang kanilang mga gamit at idaraan sa x-ray machine na itinayo ng Office for Transportation Security.

Idineploy na rin ang ilang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) habang patuloy na umiikot ang mga tauham ng MPD, SWAT at Philippien Coast Guard.


Naka-stand by naman ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office sakaling may mangailangan ng serbisyong medikal.

Isang deboto naman ang hinarang at dinala sa Plaza Miranda Police Community Precint matapos itong lumagpas sa security screening at magpumilit na pumasok sa simbahan.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng misa at ilan sa mga deboto ay magtutungo naman ng Quirino Gtandstand para sa dumalo sa tradisyunal na pahalik.

Facebook Comments