Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police na mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipapatutupad para sa muling pagbabalik eskwela para school year 2018 hanggang 2019.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, bawat eskwelahan ay may itatalaga silang dalawang pulis para sa police assistance desk.
Inaasahan na rin aniya nila na dalawa hanggang tatlong araw bago ang unang araw ng pasukan ay masisimula nang maglinis sa mga eskwelahan na kanila ring imomonitor.
Tiniyak ni Albayalde na mananatili ang mga police assistance desk sa mga eskwelahan hanggang sa wala nang makitang problema ang PNP.
Sa ngayon nanatili sa normal ang alerto ng PNP habang ipinauubaya ni Albayalde sa mga PNP commanders ang pagtataas ng kanilang alerto sa kanilang nasasakupang lugar.