Magsasaka ng goma natagpuang patay sa Magpet

Natagpuang wala ng buhay ang isang magsasaka ng goma sa bayan ng Magpet kahapon ng umaga. Sa report ng Magpet PNP kinilala ang biktima na si FERNANDO BAWAG GARING, 32, residente ng Sitio Napantian, Brgy. Bantac.
Sinasabing natagpuan ang bangkay ni Garing sa gitna ng highway ala una y media ng madaling araw kahapon.Agad namang ipinagbigay alam ito ng mga opisyales ng barangay sa PNP na agd ring nagresponde.
Lumabas sa imbestigasyon nab ago ang pagkakatagpo sa bangkay ni Garing, isang putok ng baril ang narinig ng mga residente pasado alas 9 gabi ng sabado.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa ugat dahilan ng insidente at kung sino ang responsable.

Facebook Comments