May direktiba na si Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos sa lahat ng Police Units na mas paigtingin ang operasyon laban sa mga nagbebenta ng mga pekeng medical items.
Ito ay matapos na marekober at makumpiska ng PNP sa pamamagitan ng pinalakas na intelligence networking ang 150 milyong pisong halaga ng mga antigen tests, face masks, at COVID-19 medicine sa isang bodega sa Maynila.
Ayon kay PNP chief, pinatutukoy niya na ang mga tindahan at bodega saan mang lugar sa bansa na nagbebenta ng mga pekeng medical items.
Hindi aniya ligtas sa sinumang makakagamit at makakainom ng mga pekeng medical items na ito kaya hiningi nila ang guidance ng Department of Health (DOH) para sa mga mas maigting ng police operation.
Naniniwala si PNP chief na makakatulong ang kanilang operasyon para mahinto ang bentahan ng mga pekeng medical items sa bansa.
Payo naman ni PNP chief sa publiko bumili lamang ng medical items sa mga accredited pharmacies.