Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang mas maikling quarantine period para sa general public.
Ibig sabihin nito, ang sinumang may mild COVID-19 symptoms ay pitong araw na lamang ang kinakailangan para mag-isolate habang 10 araw naman para sa hindi pa bakunado.
10 araw naman ang kailangan para sa mga moderate cases at nasa limang araw na lamang ang isolation period para sa mga asymptomatic na fully vaccinated.
Samantala, 14 na araw pa rin ang kinakailangang quarantine period para sa mga hindi pa bakunado pero asymptomatic.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, epektibo agad ito kapag nailabas na ang polisiya.
Facebook Comments