MAS MAINAM | Bawas sa VAT, mas epektibo kumpara sa dagdag sweldo

Manila, Philippines – Pasado kay Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang 25-pisong dagdag sa kada araw na sweldo ng mga minimum wage earner sa National Capital Region.

Gayunpaman, iginiit ni Villanueva na mas mainam kung ibababa sa 10-porsyento ang kasalukuyang 12-porsyento na Value Added Tax o buwis na ipinapataw sa mga serbisyo at produkto.

Paliwanag ni Villanueva, kahit suspendehin ang nakatakdang dagdag na buwis sa langis sa unan tatlong buwan ng taong 2019 ay mananatili pa ring mataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa VAT.


Dahil dito ay sinabi ni Villanueva, ang mataas na inflation rate ay patuloy na mararamdaman ng pangkaraniwang mamamayan kahit madagdagan ng kabubuang 537-pesos ang kanilang buwanang sahod.

Facebook Comments