Mas mainit na political rivalry, inaasahan ng PNP sa pagsisimula ng local campaign

Mas mainit na labanan sa politika ang inaasahan ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng kampanya para sa mga local candidates sa Marso 25.

Kaya naman paalala ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos sa mga kandidato at kanilang mga supporter na striktong sundin ang mga protocol sa pagsasagawa ng mga political assemblies at iba pang mga aktibidad.

Aniya, sa kabila ng pag-alis ng Commission on Elections o Comelec ng requirement para sa political rally permit sa ilalim ng Alert Level 1 at 2, sinabi ni PNP chief na hindi ito dahilan para magpakakampante.


Hinikayat ng PNP chief ang mga sasali sa mga rally na laging maging disiplinado at mas maging maingat.

Iwasan aniya ang pagdadala ng malaking halaga ng pera, alahas at mga bata sa mga rally.

Payo rin ng PNP chief sa mga campaign organizer na makipag-ugnayan sa PNP para sa security at crowd control.

Matatandaan tiniyak ng PNP chief na patas na proteksyon ang ibibigay ng PNP sa mga incumbent na kandidato at maging sa kanilang mga kalaban sa politika.

Facebook Comments