Mas malakas na presensya ng militar sa dulong hilagang bahagi ng bansa, ipinag-utos ng DND

Inatasan ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin pa ang presensya ng militar sa dulong hilagang bahagi ng bansa.

Ang direktiba ay ibinaba ng kalihim kasabay ng kanyang pagbisita kahapon sa Naval Detachment sa Mavulis Island, ang pinakahilagang isla ng bansa kung saan personal nitong nakita ang itinatayong Naval Forward Operating Base sa Mahatao Batan Island, Batanes.

Kasama ng kalihim sa kanyang pagbisita si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., Northern Luzon Command Commander Lt. Gen. Fernyl Buca, Naval Forces Northern Luzon Commander Commodore Francisco Tagamolila, at 4th Marine Brigade Commander BGen. Vicente Mark Anthony Blanco III.


Ipinapakita ng ginawang pagtungo roon nina Sec. Teodoro, Gen. Brawner at iba pang mga opisyal ang importansya ng mga ikinakasang hakbangin para mapaigting ang ating territorial defense capabilities at matiyak ang overall safety at integrity ng bansa.

Facebook Comments