Mas malaking bilang ng mga Pinoy balikbayan, dumadagsa sa bansa

Kinumpirma ng Philippine Airlines na mas malaki pa rin ang bilang ng mga Pinoy balikbayan na dumadating ngayon sa bansa kaysa sa mga dayuhan.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, 10% lamang sa ngayon ang mga dayuhan na sakay ng kanilang bawat flight papasok ng Pilipinas.

Sa unang araw ng pag-alis sa quarantine protocol sa bansa, pawang mga dayuhang pasahero mula sa mga karatig na bansa sa Asya ang dumating sa bansa.


Nagsimula na ring dumagsa sa bansa ang mga turista mula Canada at Amerika.

Facebook Comments