DILG, kinondena ang pananambang ng NPA sa mga menor de edad sa Northern Samar

Mariing kinokondena ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pananambang ng New People’s Army (NPA) sa dalawang menor de edad sa Barangay Roxas, Catubig, Northern Samar.

Ayon sa DILG chief, maituturing na heinous crime ang pagdamay ng NPA kina Andre Mercado, 12 anyos at Leandro Alivio, 13 anyos, matapos ang pananambang sa tropa ng 803rd Infantry Brigade na nagpapatrolya sa Barangay Roxas kasunod ng umano’y extortion activities ng mga rebelde sa lugar.

Nagkataon na kumukuha ng niyog sa lugar ang dalawa nang sumiklab ang sagupaan.


Giit ni Año, ang pagdamay ng NPA sa mga menor de edad ay nagpapakita sa pagiging terorista ng mga ito.

Facebook Comments