Mas malaking intelligence funds, inilaan ng gobyerno para sa 2018

Manila, Philippines – Mas malaking intelligence funds ang inilaan ng gobyerno para sa 2018.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, kasama sa budget proposal para sa 2018 na isinumite sa kongreso ang P4.12 bilyon intelligence fund ng buong gobyerno at ang P2.085 bilyon confidential fund.

Wala naman aniyang nabago sa intelligence at confidential funds ng pangulo na nanatili sa P1.25 bilyon.


Bahagya namang nadagdagan ang intelligence fund ng militar at may mga nakakalat pang intelligence at confidential funds sa iba pang maliliit na ahensiya.

Higit sa doble naman ang intelligence fund ng PNP habang lalong lumiit ang confidential fund ng CHR na mula sa P5 milyon ay naging P1 milyon na lamang.

Sinabi naman ni House Minority Leader Rep. Danilo Suarez na asahan nang masusuri ang mga ito sa budget deliberations.

Dati nang inamin ng gobyerno na walang failure of intelligence kundi hindi lang napahalagahan ang Intel info tungkol sa Maute group na nauwi sa Marawi siege.

Facebook Comments