Manila, Philippines – Layunin ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magpataw ng mas malaking multa sa mga kumpanya na lalabag sa batas kalikasan.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, dapat maaksyunan ang mga walang pakundangan na disposal ng basura, illegal logging, wildlife poaching at smuggling, at ang pagpapataw ng mas malaking multa sa mga violator ang nakikita nilang pantapat dito.
Inatasan na niya ang mga Law enforcement agencies na maglabas ng blue print para ma-assess ang halaga ng ecological damage na kanilang gagamitin sa pagdetermina ng multa na babayaran ng mga offender.
Idinagdag ng kalihim na positibo siya na magiging maganda ang resulta ng kanilang policy reform at sa palamagitan nito ay makakamit ang environmental justice.