Mas malaking oil price hike bukas, inanunsyo ng DOE

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) ang mas mataas na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas.

Ayon sa Energy Dept. bunga ito ng paggalaw sa domestic prices ng gasolina sa international oil trading noong nakaraang linggo.

Bunga nito, P0.80 per liter ang itataas sa presyo ng gasolina, 90-centavos sa diesel at P1.10 per liter sa kerosene.


Samantala, hinimok ng DOE ang publiko na maging vigilant sa kanilang karapatan bilang consumers.
DZXL558

Facebook Comments