Security guard na suspek ng pagpatay – kalaboso

General Santos City—kalaboso ang isang security guard na si John Vincent Marcelino, 21, residenti ng Prk. Masagana, Polomolok, South Cotabato isa sa tatlong suspek ng pananaksak sa biktimang si Nelson Marcera, residenti sa brgy. Calumpang.

Sa initial investigation ng Police Station 2 napag-alaman na nag inuman ang grupo ng suspek at ng biktima sa isang Video-k bar sa National Highway ng DARBCI, Barangay Apopong.

Nang nalasing na ang dalawang grupo doon na nag simula ang girian na naging dahilan ng rumble. Nasaksak ang biktimang si Marcera ng suspek at dalawa pang kasamahan nito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.


Agad na tumakas ang mga suspek na sina Alias Dagol at Alias Dodong habang si Marcelino ay nadakip sa ginawang hot pusuit operation ng PNP.

Kasong Homicide ang kinahaharap ngayon ni Marcelino at ng dalawa pang kasamahan nito.

Facebook Comments