Mas Malaking Pasabog Kaugnay Sa Ilegal Drug Trade Sa Bilibid, Ibubunyag Ni Jaybee Sebastian Ayon Sa Kanyang Abogado – Il

7

MANILA – Tiniyak ng kampo ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian na mas pasabog ang ibubunyag nito kumpara sa testimonya ng mga naunang humarap sa imbestigasyon ng kamara kaugnay ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).Ayon sa abogado ni sebastian na si Atty. Eduardo Arriba, mas dobleng pasabog ang ibubunyag ni sebastian kapag pinagbigyan ang kahilingan nitong makaharap si Pangulong Rodrigo Duterte.Aniya, ilang opisyales rin ng nakaraang administrasyon ang posibleng madamay kapag umamin ang kaniyang kliyente sa kanyang mga nalalaman.Giit pa ni arriba, hindihearsayang magiging pahayag ni Sebastian.Isa si Sebastian sa pinahaharap sa susunod na hearing sa kamara para idetalye ang nalalaman nitong drug trade sa Bilibid.Si Sebastian ay nagpapagaling pa rin sa ospital matapos na magtamo ng saksak sa naganap na riot sa Building 14 ng NBP.Samantala, tumanggi naman ang Pangulong Duterte na makausap si Sebastian at iginiit na hindi siya makikipag-usap sa isang kriminal.

Facebook Comments