Pagpapalabas Ng Umanoy Sex Video Ni Sen. Leila De Lima, Kinontra Sa Senado

30

MANILA – Umalma ang ilang senador sa posibleng pagpapalabas ng umanoy sex video ni Sen. Leila De Lima.Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson, na hindi katanggap-tanggap kung itutuloy ng kamara ang plano.Naniniwala naman si Senate President Koko Pimentel, na maaring magkaroon ng problema ang kamara kung ipapalabas ang video.Nauna nang inihayag nina Sen. Franklin Drilon, Bam Aquino at Kiko Pangilinan, na bukod sa kabastusan sa Senadora… possible ring malabag ng pagpapalabas ng video ang Anti-Viorism Law at Anti-Wire Tapping Law.Samantala… Iginiit ni Speaker Pantaleon Alvarez, na walang paglabag sa batas ang planong pagpapalabas ng sex video ni de lima sa imbetsigasyon ng kamara kaugnay sa drug trade sa Bilibid.Kinumpirma ni Alvarez ang pagbibigay ng go signal sa pagpapalabas ng video… Pero, ang miyembro pa rin ng komite ang magdedesisyon kung makakatulong ito sa kanilang imbestigasyon.Nauna nang tinutulan ng Gabriela Partylist ang nasabing plano at iginiit na hindi ito makakatulong sa imbestigasyon ng kamara.

Facebook Comments