
Hiniling ni kalihim ng Department of Agriculture (DA) sa Senado na suportahan ang mas mataas na pondo sa sektor ng agrikultura sa 2026.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ang panukalang ₱216.1 billion budget para sa DA sa susunod na taon ay mas mataas sa panukalang pondo na itinaas na ₱176.7 billion.
Kumakatawan aniya ito sa matagal nang isinusulong para sa isang sektor na nagpapakain sa bansa.
Paliwanag pa ni Tiu-Laurel, sa kabila ng pagiging backbone ng ekonomiya, milyun-milyon sa sektor ang nananatiling pinakamahina sa pananalapi ng bansa.
Sa taong 2026, nakatuon ang mga prayoridad ng DA sa modernisasyon ng agrikultura, pagtaas ng kita ng mga magsasaka at mangingisda.
Kasama na rin dito ang pagbuo ng katatagan sa pamamagitan ng imprastraktura, mga climate-smart technology at disaster preparedness.









