Mas malawak na internet access, ipinanawagan ng stakeholders

Hinilayat ng mga stakeholder ang pamahalaan na higit na bigyang halaga ang pagpapalakas sa investment ng Pilipinas sa broadband connections, binigyang-diin ang pangangailangan para sa mas mabilis at mas mahusay na internet connection sa mga Pilipino.

Sa isang statement, sinabi ng CitizenWatch Philippines, isang advocacy network, na ngayong 2024, sangkapat ng Filipino population ang mananatiling offline sa kabila ng pag-unlad sa teknolohiya at ng lumalawak na paggamit nito sa mga pang-araw-araw na gawain.

Ayon sa network, dapat itong aksiyunan ng gobyerno at mag-invest sa imprastruktura, tulad ng panukala ng Private Sector Advisory Council na magdagdag ng  P240 billion na pondo sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang makatulong sa mas mabilis na pagde-deploy ng 5G connections.


“Broadband investments will enable more Filipinos, wherever they may be in the archipelago, to participate in the digital economy, that would in turn increase their income potential and upgrade their skills,” wika ng CitizenWatch Philippines.

“If the Philippines wants to be a significant player in the global economy and boast of a people that is dynamic and technologically adept, the government must take this decisive action soonest. Ultimately, this will redound to the benefit of ordinary Filipinos, who stand to live a productive, efficient, and upwardly mobile life,” dagdag pa nito.

Batay sa datos ng DICT,  65 percent ng  populasyon ng bansa ang hindi pa rin konektado sa internet. Ayon sa Statista Research Department, isang international research company, 77.81 percent ng Filipino population ang magkakaroon lamang ng internet connection sa 2028.

Ang average broadband internet speed sa Pilipinas ay kasalukuyang ranked 41st sa mundo, ayon sa Telecom Review. Malaking problema pa rin umano ito dahil ang speed madalas na hindi consistent at limitado lamang.

Isinusulong din ni think tank Stratbase ADR Institute President Dindo Manhit ang mas maraming investments sa broadband connections, at binigyang-diin na mas mabuting ngayon na mag-invest upang makatulong na umangkop sa nagbabagong panahon.

“The transformative potential of broadband infrastructure can be best harnessed by the Philippines’ young and digital savvy population, even as all segments of the citizenry stand to benefit from digital transformation,” ani Manhit.

“Access to fast and reliable broadband services is a fundamental requirement for full and meaningful participation in the digitized global economy. We stand to lose so much in real and potential benefits if we do not address the gaps in the country’s digital infrastructure,” dagdag pa niya.

Nais din ng ilang mambabatas at stakeholders na higit na bigyang halaga ang pagpapabilis sa internet speed sa bansa sa pamamagitan ng pagrebisa sa National Building Code of 1977 upang gawing lease-free ang telecommunication infrastructure, na katulad sa koryente at tubig.

Isa si Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa mga sumusuporta sa naturang panukala, binigyang-diin na dapat umangkop ang bansa sa nagbabagong panahon at sa lumalaking pangangailangan para sa mas mabilis at mas mahusay na internet connection. Bunga nito, ang  telecommunications networks ay magkakaroon ng mas malawak na access at lugar upang magtayo ng cell sites.

Sa 2021 data mula sa National Telecommunications Commission, lumitaw na mayroong mahigit  22,000 cell sites sa bansa,  mas mababa sa one-third ng 90,000 ng Vietnam, at ibinabahagi pa ito sa pagitan ng tatlong telcos.

Binigyang-diin din ni dating presidential adviser on economic affairs and telco concerns Ramon Jacinto ang pangangailangan para sa mas maraming towers sa bansa, at iginiit  ang pagtatayo ng karagdagang 50,000 cell towers, na nagkakahalaga ng $5 billion.

Facebook Comments