Binubuo ng isang grupo ng mga siyentipiko at inhinyero sa Pilipinas ang mas portable at mas murang kagamitan para makapagpatakbo ng COVID-19 tests.
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), kahit tagumpay ang mga ginagamit na diagnostic kits ng bansa, posible pa ring magkaroon ng kakulangan ng akmang Quantitative Polymerase Chain Reaction (QPCR) instrument ang mga ito.
Dahil dito, susuportahan ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ang multi-disciplinary team ng biologists, clinicians at engineers sa pagbuo ng “Accelerated development of a cost-efficient microPCR (miPCR) at ng Lateral Flow Diagnostic (LFD) system para sa expanded near-point-of-care testing para sa COVID-19 o AMPLiFieD System.
Ang grupo ay pangungunahan nina Dr. Jeremie De Guzman, Dr. Keith Moore, at Mr. Ricardo Jose Guerrero, PHD candidate mula sa Ateneo Research Institute for Science and Engineering (ARISE).
Paliwanag ng DOST, sa oras na magawa na ang proof of concept ng dalawang device, dadaan ito sa validation at verification para matiyak ang pagiging matibay at maaasahan ng mga ito.