MAS MALINIS NA MGA DALUYAN NG TUBIG, ISINUSULONG SA STO. TOMAS

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Santo Tomas, Pangasinan ang mas malinis at maayos na mga daluyan ng tubig sa bayan sa pamamagitan ng isinagawang clean-up drive sa isang irrigation canal sa Barangay Poblacion West sa ilalim ng R.I.V.E.Rs for Life Program.

Layunin ng clean-up drive na mabawasan ang naipong basura sa mga daluyan ng tubig, mapabuti ang kalinisan ng kapaligiran, at maiwasan ang pagbabara na maaaring magdulot ng pagbaha, lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Katuwang sa aktibidad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensya at volunteers.

Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng mga ahensya at komunidad upang mapanatili ang maayos na kalagayan ng mga ilog at kanal na may mahalagang papel sa irigasyon, kalinisan, at kaligtasan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments