Mas-malusog kaysa sa orihinal na bersyon ng Nutribun, ibinida ng DOST

Ipinakilala ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ang mga bagong variant ng pinahusay na Nutribun.

Ayon sa DOST-FNRI, ang mga bagong lasa ng e-nutribun na orange at purple na kamote ay mas malusog kaysa sa orihinal na bersyon at hindi naglalaman ng artipisyal na pangkulay at pampalasa.

Ang 165 gramo ng e-nutribun ay naglalaman ng 96% ng inirerekomendang dietary intake na 502 calories, 17 gramo ng protina, 6 milligrams ng iron, at 384 micrograms ng bitamin A.


Binanggit ng DOST Regional Office R&D and International Linkages Program Management Center na ang DOST-FNRI ay patuloy na nagsasagawa ng pananaliksik upang higit na mapaunlad ang tinapay na nutribun.

Facebook Comments