MMDA, hinikayat ang mga mananakay na tangkilikin ang Pasig River Ferry System

53

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pasahero na tangkilikin ang Pasig River Ferry Service upang makaiwas sa traffic at siksikan ng mga tao.

Ayon sa MMDA, mabilis, malinis at ligtas sakyan ang ferry boats na regular na isinasailalim sa disinfection at sanitation.

Paliwanag ng MMDA na bukas ang 13 Pasig River Ferry Service stations tuwing Lunes hanggang Sabado.


Kabilang sa mga station ang Pinagbuhatan, Kalawaan, San Joaquin, Maybunga, Guadalupe, Hulo Valenzuela, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Quinta, Lawton, at Escolta.

Facebook Comments