Mas marami at mas agresibong CCG, napansin ni Gen. Brawner sa pinakahuling resupply mission

Napansin mismo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of staff General Romeo Brawner Jr., ang mas maraming pwersa ng Chinese Coast guard (CCG) at Chinese militia vessels.

Ito’y kasunod ng pinakabagong Rotation and Resupply (RoRe) mission sa Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong weekend.

Ayon kay Brawner, nasa mahigit 40 barko ng CCG kasama na ang mga militia vessels ang kanilang namataan sa lugar.


Bukod pa ito sa mahigit 100 pang mga barko at militia vessels na naka-standby dahil nalaman ng China na nagsasagawa ang Pilipinas ng Christmas convoy patungo sa West Philippine Sea (WPS).

Base pa sa pakikipag-usap ni Gen. Brawner sa mga tauhan ng Philippine Navy na lulan ng Unaizah 1 ay mas agresibo ngayon ang China.

Nasa 24 oras din ani Brawner ang ginawang shadowing ng China sa mga barko ng Pilipinas pero pagsapit ng alas kwatro ng madaling kahapon ay doon na sila ginitgit ng mga barko ng China hanggang makarating sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal bandang alas-8 ng umaga.

Maliban dito, nagsagawa rin ang CCG ng dangerous maneuvers, water cannon at pagbunggo sa ating barko.

Facebook Comments