Pinay na huling pinalaya ng Hamas, nagpapagaling pa sa hotel matapos makalabas ng ospital

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na nagpapagaling pa sa hotel doon ang Pinay na si Noralin Babadilla.

Ayon sa embahada, nakalabas na ng ospital si Babadilla matapos itong mapalaya ng Hamas.

Siya ay dinalaw sa hotel ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv at hinatiran ng kanyang mga pangangailangan.


Samantala, kinumpirma ng embahada na nakipagkita na kay Gelienor “Jimmy” Pacheco ang mga opisyal ng Israeli government.

Sa kanilang pagpupulong, napag-usapan na ang mga benepisyong ipagkakaloob ng Israel kay Pacheco matapos itong mapalaya ng Hamas.

Facebook Comments