Mas marami pang dam, balak itayo ng NIA sa iba’t ibang lugar sa bansa

Nagpaplano na ang National Irrigation Administration o NIA na pumasok sa public private partnership para sa pagpapatayo ng mga dam sa buong bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NIA Administrator Benny Antiporda na nagkakahalaga ng 800 bilyong piso ang kakailanganin para sa proyektong ito.

Ang hakbang na ito, ayon sa opisyal ay para matugunan ang mga concern sa irigasyon at masiguro ang sapat na suplay ng tubig sa panahon ng tag-init.


Dagdag pa ni Antiporda na sa ngayon, ang direksyong tinatahak ng NIA ay magkaroon ng mas maraming dam sa iba’t ibang panig ng bansa upang masiguro na may mapagkukuhanan ng sapat na suplay ng tubig sakaling kailanganin nito pagsumasapit ang panahon ng tag-araw o summer season.

Maliban aniya sa pakikipag-partner sa pribadong sektor para sa kailangang pondo, plano rin nilang gumamit ng iba pang renewable energy sources sa gagawing pagpapatayo at pag-ooperate ng mas marami pang dam sa bansa.

Facebook Comments