Northern Luzon Command ng AFP, agad idineploy sa mga lugar na hinahagupit ng Bagyong Florita

56

Bago pa man mag-landfall kahapon ang Bagyong Florita, naka-deploy na ang mga tauhan ng Northern Luzon Command sa hilagang bahagi ng bansa para umasiste sa mga kababayan nating maaapektuhan ng bagyo.

Ayon kay Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., ang Commander ng Northern Luzon Command, agad nilang ipinakalat ang iba’t ibang unit ng joint task forces kasama ang kanilang mga kagamitan bilang disaster response.

Ang 77th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division ay nagbibigay tulong na ngayon sa mga kababayan natin sa Cagayan at Isabela Provinces.


Habang ang Joint Task Force “Karagatan” ng Naval Forces Northern Luzon Command ng Philippine Navy ay naka-monitor sa bahagi ng Laoag City at Ilocos Norte.

Ang Tactical Operations Wing Northern Luzon at Philippine Air Force’s Disaster Response and Rescue Teams ay kasalukuyan na ring nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response Operations sa mga apektadong lugar.

Sinabi pa ni Lt. Gen. Torres na maliban sa internal security at territorial defense, mandato rin ng NOLCOM na tumugon sa disaster relief and response operations.



Facebook Comments