Mas marami pang kongresista, inaasahang lilipat sa Lakas-CMD sa pagbubukas ng 19th Congress

Wala pa man ang 19th Congress ay marami-rami na ang mga kongresista na tumalon sa Lakas-CMD Party.

Mula sa dating 27 ay umaabot na ngayon sa 52 ang mga miyembro sa Kamara ng Lakas-CMD.

Pinakahuli sa pinakabagong miyembro ng partido sina Bulacan Rep. Salvador “Ka Ador” Pleyto at Nueva Ecija Rep. Emeng Pascual.


Maliban sa mga ito, nakapanumpa na rin sa partido ang siyam na kongresista na miyembro ng Lakas-CMD mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa statement naman ni Majority Leader at Lakas-CMD President Martin Romualdez, tiniyak nitong bukas ang kanilang partido sa pagtanggap ng mga sasapi dahil bahagi ito ng konsepto ng pagkakaisa na panawagan ng incoming Marcos administration.

Umaasa si Romualdez na madadagdagan pa ang kanilang suporta para mas madaling isulong ang mga legislative agenda ng bagong pamahalaan sa pagbubukas ng 19th Congress.

Facebook Comments