COMMANDER NG 5ID, BUMISITA SA MGA BATALYON SA KABUNDUKAN NG CAGAYAN

22
Bumisita kahapon, June 14, 2022 si MGen Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division sa dalawang batalyon ng 5ID na pawang mga nakabase sa lalawigan ng Cagayan.

Dinalaw ng Heneral ang 95IB TCP na nasa Valley Cove, Sta Margarita, Baggao, Cagayan at ang 86IB TCP sa Nangallitan, Peñablanca, Cagayan.

Naging katuwang ni MGen. Mina sa pagbisita ang Division Triad Staff at Group Commander ng Tactical Operations Group 2 na si LtCol Sadiri Tabutol.

Mula ng maging Commander ng 5ID, isinusulong ni Mina ang palakasin at pataasin ang moral ng kaniyang mga tropa sa pamamagitan ng pagbisita sa kanila ng personal upang alamin ang kanilang sitwasyon, bigyang solusyon kung mayroon silang mga alalahanin, at maghatid ng kanilang mga materyal na pangangailangan.

Ang tropa ng kasundaluhan ay patuloy na nagsasagawa ng combat and reconnaissance patrol upang mapanatili ang kapayapaan at patuloy na nagbibigay seguridad sa lugar ng operasyon.

Facebook Comments