Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na mas maraming bigas ang aangkatin ng bansa sa susunod na taon.
Ayon kay DA Secretary William Dar, ito ay para punan ang pinsalang idinulot ng mga nagdaang bagyo sa sektor ng agrikultura.
Aniya, target sana ng ahensya na pataasin sa 93% ang rice sufficiency sa bansa pero dahil sa bagyo, pwedeng bumalik ito sa halos 90% o 89%.
Dahil dito, inaasahang 10% ng bigas ang aangkatin ng ahensya.
Samantala, tinatayang umabot na sa P12.3-B na ang kabuuang halaga ng pinsala sa nasabing sektor bunsod ng pananalasa ng Bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.
Facebook Comments