221 provincial buses, pinayagan nang makabiyahe sa 3 probinsya sa Western Visayas

127

Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabalik-kalsada ng 221 provincial buses na bibiyahe sa 3 ruta sa Region 6 o Western Visayas.

Ito ay matapos muling buksan ng ahensya ang mga ruta patungong Aklan, Iloilo at Capiz na magmumula sa Sta.Rosa, Laguna Integrated Terminal.


Kasunod nito, nagpaalala ang LTFRB sa mga pasahero at bus companies na sundin pa rin ang ‘7 commandments’ sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.

Tiniyak din nila na walang taas pasahe ang magaganap.

Facebook Comments