Mas maraming bilang ng mga Pilipino, nakapasok sa trabaho sa pamamagitan ng technical vocational courses ng TESDA

Nakikipag-partner ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor para mabigyan ng sapat na pagsasanay ang maraming Pilipino sa iba’t ibang larangan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni TESDA Director General Danilo Cruz na prayoridad sa kanila ang pakikipag-partner sa sektor ng agrikultura, bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin ang food production at pagiging self-sufficient ng bansa sa mga pagkain.

Dagdag pa ni Cruz, may pakikipagugnayan din sila sa sektor ng construction, turismo, manufacturing at ICT.


Sa mga survey aniya na isinagawa ng TESDA lumalabas na noong 2016 nakapagtala sila ng 71.95% ng mga Pilipinong nag graduate sa TESDA ang nabigyan ng trabaho; 68.6% noong 2017; 84% noong 2018, at 78.57% noong 2020.

Patunay aniya nito na malaking porsyento ng mga Pilipinong nag-aaral sa vocational technical courses ng kagawaran ang nakakukuha ng trabaho.

Ang TESDA rin ay gumagawa ng information system para makita kung ano ang kailangan ng industriya at kung anong klaseng manggagawa ang dapat sanayin para matugunan ito.

Facebook Comments