PBA board of governors, inaprubahan na ang hakbang ng Gilas na mamili ng ilan manlalaro para sa FIBA Basketball World Cup Asia sa Nobyembre

80

Bukas si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial sa gagawing hakbang ng Gilas coaching staff na pumili ng ibang manlalaro para sa nalalapit na FIBA Basketball World Cup Asia sa Nobyembre.

Kasunod na rin ito ng pag-apruba ng PBA board of governors na payagang sumali ang ibang manlalaro mula sa mapipiliing koponan.

Nabatid na bibigyan ng pagkakataon ang head coach na si Chot Reyes na mamimili ng kukuning players na limitado mula sa dalawa hanggang tatlong koponan.


Ang ikaapat na FIBA window ng Gilas ay gagawin sa Jordan sa Nov. 10 at Saudi Arabia naman sa Nov. 13.

Facebook Comments