Kinwestiyon ni Senator Alan Peter Cayetano kung bakit mas maraming nasa rich at middle class ang nakikinabang sa benepisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kumpara sa mga indigent.
Paliwanag naman ni PhilHealth OIC President at CEO Eli Dino Santos, mayorya kasi ng mga poor sector ang hindi batid na sila ay miyembro ng Philhealth.
Batay sa survey ng OCTA Research, 57% ng mga Pilipino ang nagsasabing hindi sila miyembro ng Philhealth.
Dagdag pa ni Cayetano, may mga ospital pa rin kasi na nagre-require ng PhilHealth ID bilang patunay na miyembro sila sa kabila ng probisyon sa UHC law na otomatikong kasapi ng Philhealth ang lahat ng mamamayang Pilipino.
Depensa naman ni Santos, ginagawa ito ng mga ospital dahil 90% lamang ng mga Pilipino ang rehistrado sa system ng PhilHealth.