Mas maraming cold storage facilities, kailangan ng bansa – PCAFI

Naniniwala ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) na kailangan ng bansa ng mas maraming cold storage facilities para sa agriculture sector.

Ayon kay PCAFI President Danilo Fausto, layon nito na mabawasan ang pagkalugi pagkatapos ng ani at mapabuti ang kita ng mga magsasaka.

Aniya, maari rin ang pagkakaroon ng mga pre-fabricated cold storage facility na maaaring gamitin sa maikling panahon para mapanatili ang pagiging bago at dekalidad ng mga agricultural product lalo na para sa bumper harvest.


Batay sa kanilang datos, ang Nueva Ecija ay mayroong 10 cold storage facilities, ang Bulacan ay may walo, National Capital Region ay may 27 at tig-dalawa sa Pangasinan at Occidental Mindoro hanggang September 2021.

Facebook Comments