Nagpapatuloy ang pagtanggap ng Philippine Army ng donasyon mula sa mga private sectors and stakeholders.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, hanggang December 23 ay nakatanggap na sila ng 200 na sako ng 25 kilogram na bigas mula sa Stone of Hope Builders and Development Corporation.
Ipinamigay ang mga ito sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo sa Leyte.
Habang nagbigay rin ng 60 boxes ng hygiene kits ang YWAM Ships Philippines na ipinamahagi naman sa mga residente ng Eastern Visayas.
Nagbigay rin ang Food Panda Philippines ng assorted goods at ipinamigay sa mga apektado ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Col. Trinidad na karamihan sa mga nagpahatid ng tulong sa Army ay mga private organizations na gustong makatulong sa mga sinalanta ng bagyo ngayong Pasko.
Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Army na ang kanilang isa sa mga prayoridad ay ang pagsasagawa ng humantarian and disaster response operations.